50K dose ng Sputnik V vax darating sa Mayo 30

50K dose ng Sputnik V vax darating sa Mayo 30

May 28, 2021 @ 7:24 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Inaasahang lalapag sa bansa ang 50,000 dose ng Sputnik V na lulan ng Qatar Airways sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Mayo 30, ganap na alas-11 ng gabi, bataya sa National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Dadalhin ang 50,000 Sputnik V dose sa Pharmaserv Warehouse sa Marikina City bago dalhin sa ibang lugar.

Batay sa ebalwasyon ng Philippine Food and Drug Administration (FDA), epektibo ang Sputnik V ng 91.6%.  RNT/FGDC