50K OFW makikinabang sa  AKAP cash aid ng DOLE

50K OFW makikinabang sa  AKAP cash aid ng DOLE

February 10, 2022 @ 5:13 PM 8 months ago


Manila, Philippines — Pakikinabangan ng 50,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang benepisyo na nasa ilalim ng Department of Labor and Employment’s (DOLE) cash assistance program na tubawag na Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP).

Sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Leo Cacdac na nakuha na nula ang pondo galing sa Department of Budget and Management (DBM).

“Sa ngayon, ipinag-utos na ni Sec. [Silvestre] Bello na because of the 2022 budget coming in ay na-download na ‘yung funds from the DBM at inaasahan natin na higit-kumulang mayroong 50,000 na panibagong mga OFWs na makikinabang dito sa latest release mula sa DOLE,” aniya sa Laging Handa briefing.

“So, inaasahan natin na ngayong linggo, ida-download sa DOLE regional offices ‘yung funds at magre-release na naman ng pondo.”

 “Sa ngayon, naka-hold ‘yung pagtanggap namin ng bagong applications effective January 14 but we are making a plea to the national government, to the DBM na magkaroon ng karagdagang pondo para makatanggap na naman tayo ng bagong applications,” paliwanag pa nito.

“We are currently addressing the pending applications. As to whether or not we will receive new applications, ‘yun po ang idinudulog natin sa DBM, sa national government, na sana mabigyan tayo ng pondo para sa 2022 na AKAP.” RNT/FGDC