50K pang Sputnik V COVID vax dose dumating na sa Pinas

50K pang Sputnik V COVID vax dose dumating na sa Pinas

May 31, 2021 @ 6:55 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Lumapag na sa Pilipinas ang 50,000 pang dose ng Russian-made COVID-19 vaccine Sputnik V bandang 10:30 kagabi, Mayo 30.

Sinabing ito ang ikatlong batch ng Russian vaccine matapos ang unang batch noong Mayo 1 at ikalawa noong Mayo 12.

Base sa FDA, kailangan ng Sputnik V vaccine na mailagay sa temperaturang negative 18 degrees Celsius para mapanatiling frozen solution.

Batay naman sa datos buhat nitong Mayo 30, 5.1 milyong bakuna na ang naiturok sa publiko.  RNT/FGDC