50K pulis, fire personnel aasiste sa COVID-19 vaccination rollout

50K pulis, fire personnel aasiste sa COVID-19 vaccination rollout

May 30, 2021 @ 4:32 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Mahigit sa 50,000 pulis at tauhan ng Bureau of Fire Protection ang ipakakalat ng Department of the Interior and Local Government upang tumulong sa pagbabakuna kontra coronavirus disease (COVID-19).

Halos 49,000 uniformed personnel mula sa Philippine National Police ang ipakakalat habang 2,390 naman mula sa BFP at 356 emergency medical service units.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año ang mga ito ay aasiste sa pamamahagi ng bakuna at tutulong sa mga vaccination sites at mga warehouse o cold storage.

Magpapadala rin ng mga fire truck at ambulansya bilang dagdag-suporta sa vaccination program.

“Mass vaccination will be a big challenge to the government but with the help of our uniformed personnel, we aim to get as many of our countrymen and women vaccinated as efficiently and as soon as possible,” saad ni Año.

Ito ay bilang paghahanda sa pagdagsa ng suplay ng bakuna kung saan inaasahang matanggap ng bansa ang 16 milyong dose ng COVID vaccine sa susunod na dalawang buwan. RNT/ELM