51-anyos na Pinay berbal na inatake sa NY

51-anyos na Pinay berbal na inatake sa NY

July 22, 2022 @ 4:44 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Isang 51-anyos na Filipina ang berbal na inatake sa isang subway station sa New York City, ayon sa Philippine Consulate General sa New York nitong Huwebes.

Ayon sa konsulado, isang umano’y “homeless woman” ang tinangkang pigilan ang Pinay na sumakay sa tren sa 63rd Drive Subway Station sa Rego Park, Queens nitong Sabado.

Ito ang ika-41 kaso ng hate-related incidents laban sa mga miyembro ng Filipino community sa New York City mula 2021.

“Kababayan residing in New York and those on temporary visits are reminded to always remain vigilant and to take the necessary precautions, especially when walking in the streets or taking mass transport,” babala ng konsulado.

Ang mga Pilipino na mahaharap sa ganitong insidente ay hinihikayat na agad na mag-report sa konsulado “ to more accurately assess the situation and issue timely advisories to help ensure the safety and security of members of the Filipino community.”

Gayundin, maaaring tawagan ang mga sumusunod na numero: +1-917-294-0196 and +1-917-239-4118. RNT/SA