510 health workers ng Tala Hospital naka-kwarantin sa COVID

510 health workers ng Tala Hospital naka-kwarantin sa COVID

January 17, 2022 @ 3:48 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 510 health workers ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium o Tala Hospital sa Tala, Caloocan City ang nakasailalim sa home quarantine dahil sa coronavirus disease (COVID-19), ayon sa hospital chief nitong Lunes.

Inanunsyo ito ni Tala Hospital medical director Dr. Alfonso Famara isang araw matapos maiulat ng Department of Health (DOH) ang 37,154 bagong COVID-19 cases nitong Linggo.

“We have 510 health workers under quarantine out of the 1,300 we have,” pahayag ni Famaran sa Laging Handa public briefing.

“We received augmentation for our health personnel and [so] our hospital operations remain unhampered,” dagdag pa niya.

Ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ay isang COVID-19 referral hospital, kaya naman prayoridad nito ang COVID-19 cases na severe o kritikal, o may comorbidities, matatanda, at high-risk pregnant women, batay sa guidelines ng DOH.

“It (getting infected with COVID-19) is really due to non-compliance of minimum public health standards. Mainly [lack of social distancing], and failing to wear face mask,” paglalahad ni Famaran.

“We really have to strictly follow the minimum public health standards,” aniya pa.

“That shortened quarantine is a big help for us since it allows us to have our health workers at an earlier date,” patuloy pa ni Famaran. RNT/SA