52 pang kaso ng South Africa COVID variant, 31 UK variant natukoy sa Pinas

52 pang kaso ng South Africa COVID variant, 31 UK variant natukoy sa Pinas

March 5, 2021 @ 1:40 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Natukoy ang 52 pang kaso South Africa coronavirus variant sa Pilipinas at 31 pang pasyente na positibo sa United Kingdom variant.

Batay kay Health Secretary Francisco Duque III, nakita ito sa ikasiyam na batch ng genome sequencing na isinagawa ng Philippine Genome Center (PGC).

“Nakapagtala po ng 52 additional B.1.351 variant, ito ‘yung kinilala bilang South Africa variant. Meron po tayong 31 additional B.1.1.7 variant, ito naman ‘yung UK variant and 42 additional cases with mutations of potential clinical significance,” aniya sa briefing.

Kasalukuyan namang may 58 kaso na ng South Africa variant cases sa bansa at 118 naman na UK variant.

“Forty out of 41 naman sa NCR cases ang active, ‘yung isa po ay recovered na.”

Sinabi rin ni Duque na nasa 350 samples ang na-sequence ng PCG sa pinakabagong round. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •