52 patay, 22 sugatan sa nasunog na COVID hospital sa Iraq

52 patay, 22 sugatan sa nasunog na COVID hospital sa Iraq

July 13, 2021 @ 5:21 PM 1 year ago


IRAQ – Hindi bababa sa 52 katao ang patay habang 22 ang sugatan makaraang masunog ang isang COVID-19 hospital sa Iraq.

Nagsimula ang sunog sa coronavirua isolation ward ng Al-Hussein hospital sa Nasiriyah City dahil sa pagsabog ng mga oxygen tank.

“The victims died of burns and the search is continuing,” saad ng tagapagsalita ng local health authority na si Haydar al-Zamili.

Pinangangambahan naman na may ilan pang na-trap sa loob ng gusali.

Ito na ang ikalawang hospital blaze sa Iraq sa loob ng tatlong buwan kung saan marami ang namatay.

Nagdeklara na ng state of emergecy sa Dhi Qar governorate, kung saan matatagpuan ang Nasiriyah.

Samantala, ayon kay Iraqi Prime Minister Mustafa al-Kadhemi, nagpatawag na siya ng emergency meeting kasama ang mga ministro at security head para alamin ang pinagmulan ng sunog. RNT