53.2% full vaxxed rate naabot ng Pinas

53.2% full vaxxed rate naabot ng Pinas

December 14, 2021 @ 1:18 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagbakuna na ang pamahalaan ng 53.2 porsyento ng target population nito na nasa 77 milyon, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Lunes.

Sa isang briefing kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, iniulat ni Galvez na mahigit 41 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa coronavirus disease (COVID-19) noong Disyembre 12.

Aniya, ang Metro Manila ang may pinakamataas na porsyento na umaabot sa 102.41 porsyento, na nagpapakita na nagpapakita na wala na umanong vaccine hesitancy sa rehiyon.

β€œThere is no other city in the world na… 102% na po fully vaccinated β€˜yung kanyang elderly population. Palagay ko Metro Manila lang po ang mayroong nakita na ganyan ang capability,” dagdag niya.

Kabilang sa mga rehiyon na may mataas na inoculation rate ang Cordillera Administrative Region o CAR (65.08%), Central Luzon (56.88%), Calabarzon (54.10%), at Ilocos Region (53.07%).

Mababa naman ang bilang ng mga nababakunahan sa Mimaropa, Bicol, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ani Galvez, itutuon ang ikalawang round ng national vaccination drive ngayong linggo sa apat na rehiyong ito.

Samantala, ibinalita naman ni Interior Secretary Eduardo AΓ±o na 42 na lugar na lamang sa bansa ang nasa ilalim ng granular lockdown. Ang mga lugar na ito ay nasa CAR, Cagayan Valley, Calabarzon, at Mimaropa. RNT/SA