53 patay sa protesta sa Peru

53 patay sa protesta sa Peru

January 22, 2023 @ 4:41 PM 1 week ago


PERU – Umakyat na sa 53 ang nasawi sa nagpapatuloy na mga demonstrasyon sa Peru para ipanawagan ang pagbibitiw ni Peruvian President Dina Boluarte.

Sa television address nitong Huwebes, Enero 19 inakusahan ni Boluarte ng vandalism ang mga nagprotesta, makalipas ang “Takeover of Lima” demonstration na nilahukan ng daan-daan.

Sinabi pa ng Pangulo na walang social agenda ang naturang protesta at ang layunin lamang ay magdulot ng kaguluhan.

Isang indibidwal ang nasawi sa sagupaan ng mga pulsita at 1,000 demonstrador sa Arequipa na nagtangkang ko magkontrol sa paliparan.

Nagkaroon naman ng malaking sunog sa historic building sa sentro ng Lima at hinarangan ng mga nagpoprotesta ang mga pangunahing kalsada sa bansa.

Dahil dito ay nag-anunsyo na ng state of emergency ang pamahalaan ng Peru sa ilang mga rehiyon.

Magbubukas naman ng imbestigasyon ang Prosecutor’s Office ng Peru sa mga sibilyan na nasawi buhat nang magsimula ang serye ng mga kilos-protesta noong Disyembre 7. RNT/JGC