54 paaralan sira sa Davao quake – DepEd

54 paaralan sira sa Davao quake – DepEd

March 9, 2023 @ 8:18 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Education na mayroong nasa 54 na mga paaralan sa Davao Region ang napinsala ng magnitude 5.9 na lindol na yumanig nitong Martes, Marso 7.

Batay sa initial assessment, sinabi ng DepEd nitong Miyerkules, Marso 8 na naitala ng kani-kanilang regional office ang sumusunod na bilang ng mga napinsalang paaralan:

Davao del Norte: 18
Panabo City: 24
Davao de Oro: 3
Davao Oriental: 3
Tagum City: 3
Island Garden City of Samal: 3

Matatandaan na yumanig ang magnitude 5.9 na lindol sa Davao de Oro noong Martes bandang 2:02 ng hapon ayon sa
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), kung saan ang sentro nito ay naitala walong kilometro timog-silangan ng New Bataan. RNT/JGC