541 kaso ng HFMD, naitala sa Albay

541 kaso ng HFMD, naitala sa Albay

November 27, 2022 @ 11:41 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala na ng kabuuang 541 na kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD) ang probinsya ng Albay mula Nobyembre 15 hanggang 25.

Ito ang iniulat ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit kung saan 10 bayan at dalawang lungsod ang apektado ng nasabing sakit.

Sa listahan, ang bayan ng Oas ang may pinakamaraming kaso ng HFMD na may 162 sinundan ng Legazpi City at Guinobatan ng naturang probinsya.

Karamihan sa mga tinamaan ng sakit ay mga bata edad isa hanggang 10-taong gulang.

Dahil dito ay nagsimula na ang Provincial Health Office sa mga isinasagawa nitong disinfection sa mga komunidad. RNT/JGC