54M Pinoy fully vaxxed na vs COVID

54M Pinoy fully vaxxed na vs COVID

January 14, 2022 @ 5:40 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Mahigit 54 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa coronavirus disease (COVID-19), panibagong milyahe sa vaccination program sa Pilipinas.

Inanunsyo ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 nitong Biyernes na naabot na nito ang vaccination target para sa 2021 na 54 milyong Pilipino na fully vaccinated.

Batay sa datos mula sa National Vaccination Operations Center (NVOC) hanggang nitong Miyerkules, 54,457,863 indibidwal ang fully vaccinated na laban sa sakit.

Kumakatawan ito sa 70.60 porsyento ng 77.13 milyong populasyon na eligible na bakunahan.

Samantala, halos 58 milyong indibidwal na ang naturukan ng first dose habang 4.4 milyon ang nabakunahan na ng kanilang booster shots. RNT/SA