55.2M Pinoy fully vaxxed na vs COVID

55.2M Pinoy fully vaxxed na vs COVID

January 17, 2022 @ 6:24 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagbakuna na ang pamahalaan ng Pilipinas ng 118,944,887 doses ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines sa buong bansa, kung saan umabot na sa 55,195,486 Pilipino ang fully vaccinated na laban sa virus.

Batay sa pinakabagong datos ng National COVID-19 vaccination dashboard na inilabas nitong Lunes, 4,915,091 sa fully vaccinated ang naturukan na ng booster o additional doses.

Nauna nang sabihin ni Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force Against COVID-19, na prayoridad pa rin ang pagtuturok ng unang dose.

Ani Galvez, halos tatlong milyong senior citizens pa ang hindi bakunado.

“Kasi ang benefits ng first dose ay more weighted sa boosters, kasi ‘yung mga naka-dalawang dose na at least meron na silang proteksyon. Ang talagang mag-o-overwhelm ng ating health care facilities ay ‘yung unvaccinated,” sabi ni Galvez.

Binigyang-diin din ng vaccine czar na sapat ang suplay ng COVID-19 jabs sa bansa. RNT/SA