55-anyos na negosyante huli sa manhunt ops sa Gapan

55-anyos na negosyante huli sa manhunt ops sa Gapan

January 20, 2022 @ 2:11 PM 7 months ago


Manila, Phlippines – Arestado ang isang 55-anyos na businessman matapos na magkasa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa nang  Gapan City police station, 303rd RMFB 3 at 1st PMFC 4th   Maneuver Platoon, sa Barangay San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija nitong Miyerkules, January 19.

Kinilala ang suspek na si Eduardo De Sahagun y Cabatuando, may asawa, residente ng Barangay San Lorenzo, Gapan City, Nueva Ecija.

Ganap na 10:00 ng umaga ng tuluyan ng masakote si De Sahagun sa isinagawang manhunt charlie operation, sa nasabing barangay, sa bisa na rin ng warrant of arrest for Social Security Act of 2018 (Republic Act 11199 Repealing for the Purpose Republic Act 1161, As Amended by Republic Act 8282) sa ilalim ng criminal case number 33483-AF na inisyu ng korte sa

Regional Trial Court, Branch 29, Cabanatuan City, Nueva Ecija na may petsang January 6, 2022  at may pagkakataon na makapagpiyansa sa halagang P36,000.00.

Ang naturang warrant ay tinanggap ng nabatid na istasyon ng pulisya noong January 12, 2022.

At, sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Gapan City police station  male  custodial   facility. ELSA NAVALLO