55 labi ng US War, naiuwi na mula sa North Korea

55 labi ng US War, naiuwi na mula sa North Korea

July 27, 2018 @ 4:22 PM 5 years ago


Washington – Dumating na ang mga labi ng mga namayapang Amerikanong sundalo mula sa North Korea.

Positibong marka ito ng bahagi ng napagkasunduan nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un sa kanilang naging makasaysayang pagpupulong noong nakaraang buwan sa Singapore.

“After so many years, this will be a great moment for so many families. Thank you to Kim Jong Un,” pagpapasalamat na tweet ni President Trump.

“Today’s actions represent a significant first step to recommence the repatriation of remains from North Korea and to resume field operations in North Korea to search for the estimated 5,300 Americans who have not yet returned home,” dagdag pa ni Trump.

Sa Osan US Air Base sa South Korea na sinalubong ng mga American soldiers ang 55 na mga labi lulan C-17 cargo plane at galing sa North Korean port city sa Wonsan.

“It was a successful mission following extensive coordination,” ayon kay UNC at United States Forces Korea commander, General Vincent Brooks.

“Now, we will prepare to honour our fallen before they continue on their journey home.”

Mahigit 35,000 mga Amerikano ang namatay sa Korean Peninsula war kung saan 7,700 sa mga ito nawawala pa rin hanggang sa ngayon. (Remate News Team)