55 party-list panalo sa Halalan 2022

55 party-list panalo sa Halalan 2022

May 26, 2022 @ 9:08 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isinapubliko ng Commission on Elections (Comelec) ang 55 party-list groups na ipo-proklama na magwawagi sa May 9 national at local elections.

Ang mga nanalong grupo ay ipoproklama sa Huwebes ,May 26 ganap na alas 4 ng hapon sa  Philippine International Convention Center kung saan isinasagawa ang canvassing ng boto, ayon sa Comelec.

Kabilang sa party-list group ay ang mga sumusunod:

1. ACT-CIS

2. 1-Rider PL

3. Tingog

4. 4PS

5. Ako Bicol

6. Sagip

7. Ang Probinsyano

8. Uswag Ilonggo

9. Tutok to Win

10. CIBAC

11. Senior Citizens PL

12. Duterte Youth

13. Agimat

14. Kabataan

15. Angat

16. Marino

17. Ako Bisaya

18. Probinsyano Ako

19. LPGMA

20. API

21. Gabriela

22. CWS

23. Agri

24. P3PWD

25. Ako Ilocano Ako

26. Kusug Tausug

27. An Waray

28. Kalinga

29. Agap

30. Coop-NATCO

31. [email protected]

32. BHW

33. GP Party

34. BH

35. ACT Teachers

36. TGP

37. Bicol Saro

38. Dumper PTDA

39. Pinuno

40. Abang Lingkod

41. PBA

42. OFW

43. Abono

44. Anakalusugan

45. Kabayan

46. Magsasaka

47. 1-PACMAN

48. APEC

49. Pusong Pinoy

50. TUCP

51. Patrol

52. Manila Teachers

53. Aambis-OWWA

54. Philreca

55. Alona

Itinakda ng batas na ang isang party-list group na nakakuha ng hindi bababa sa 2% ng kabuuang bilang ng mga boto sa party-list race ay karapat-dapat sa hindi bababa sa isang puwesto sa House of Representatives.

Ang mga lumampas sa 2% threshold ay magkakaroon ng karapatan sa mga karagdagang puwesto na katumbas ng bilang ng mga boto, ngunit ang kabuuang bilang ng mga puwesto para sa bawat nanalong party-list group ay hindi maaaring lumampas sa tatlo.

Ang mga hindi nakakatugon sa 2% na kinakailangan ay maaari pa ring makakuha ng puwesto sa Kamara dahil iniaatas din ng batas na 20% ng mga miyembro ng Kamara ay magmumula sa hanay ng party-list. Jocelyn Tabangcura-Domenden