55% Pinoy ‘comfortable’ na sa pagpasok sa trabaho – SWS

55% Pinoy ‘comfortable’ na sa pagpasok sa trabaho – SWS

August 1, 2020 @ 12:00 PM 3 days ago

Share

Manila, Philippines – Inihayag ng nasa 55% Pilipino na komportable sila sa pagbabalik sa trabaho oras na ibaba na ang community quarantine sa susunod na buwan, batay sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey.

Isinagawa ang naturang survey buhat July 3 hanggang 6 kung saan nasa 1,555 Filipinos sa buong bansa.

Sa rounded data, 20% ang nagsabing “very comfortable” habang 34% naman ang “fairly comfortable.”

Kalakip sa datos ang 40% respondents na nagsabing hindi sila komportableng bumiyahe sa trabaho oras na payagan na.

Pinakamarami ang komportable sa Mindanao na may 64%; sinundan ng Balanced Luzon na may 55%; Visayas na may 50%; at Metro Manila na may 45%. RNT/FGDC

Share

Comment (1)

  • ปั้มไลค์ Reply

    Like!! I blog frequently and I really thank you for your content. The article has truly peaked my interest.

    August 1, 2020 at 12:28 pm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...