55 sugarol nadakma sa QC

55 sugarol nadakma sa QC

January 17, 2022 @ 5:27 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Pumalo sa 55 indibidwal ang dinakip na Quezon City Police District (QCPD) sa patuloy na operasyon ng mga ito laban sa anti-illegal gambling, ayon sa ulat nitong Lunes.

Sa Masambong Police Station (PS 2) ng Quezon City Police District (QCPD), naaresto ang tatlong sugarol sa Ilagan St., Brgy. Paltok, habang tatlo rin ang nadakma ng Talipapa Police Station (PS 3) sa  Sitio Ambuklao Mendez Road, Brgy. Baesa, QC.

Walo naman ang nahuli ng Novaliches Police Station (PS 4) sa No. 46B San Luis St., Brgy. Gulod, Novaliches, habang tatlo naman ang nadampot ng  Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) sa  Sitio Bakal, Brgy. Bagong Silangan.

Sa Holy Spirit Police Station (PS 14) ng 10 sugarol ang kanilang inaresto sa  MRB Compound, Brgy. Holy Spirit, at  Darma De Noche St., Brgy. Holy Spirit, habang anim naman ang nadakip ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa  Brgy. Kaligayahan, Novaliches, sa lungsod.

Ang mga naaresto ay pawang nagsusugal ng tupada o illegal cockfighting at nakumpiska sa kanila ang fighting cocks at ilang perang pantaya.

Dinampot naman ng PS 3 habang naglalaro ng cara y cruz ang tatlo katao sa MP1 Sagasa GK Sitio Paji, Brgy. Baesa, habang lima naman ang nahuli ng PS 4 sa  Old Cabuyao, Brgy. Sauyo,  at tatlo pa sa  Arayat St., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.

Binitbit naman ng Pasong Putik Police Station (PS 16) ang tatlong nagsusugal din ng cara y cruz sa  Agoncillo St., Magno II Subd., Brgy. Sta. Monica, Novaliches, at nakumpiskahan ang  pangara coins at bet money.

Nakadakip rin ang PS 4 ng walong nagsusugal ng Poker sa Old Cabuyao, Brgy. Sauyo, Novaliches, at kinumpiska sa kanila ang playing cards, billiard balls, billiard cue sticks, at bet money.

Ang mga nadakip ay kakasuhan ng paglabag sa  PD 1602 (Illegal Gambling) sa Quezon City Prosecutor’s Office. Jan Sinocruz