55 website na sangkot sa illegal live -streaming ng World Cup, isinara ng US

55 website na sangkot sa illegal live -streaming ng World Cup, isinara ng US

December 13, 2022 @ 11:44 AM 2 months ago


WASHINGTON, United States – Limampu’t limang website ang nasamsam para sa ilegal na live-streaming na mga laban mula sa World Cup sa Qatar, ayon sa US Justice Department.

Isinara ang mga website matapos matukoy ng isang kinatawan ng FIFA ang mga site na ginagamit upang iligal na ipalabas ang World Cup at lumalabag sa copyright dahil wala silang pahintulot sa soccer world governing body, ayon sa pahayag ng FIFA.

Hawak ng FIFA ang  eksklusibong mga karapatan sa World Cup, na umabot na sa semi-final stage.

“Bagama’t marami ang maaaring naniniwala na ang mga naturang website ay hindi bumubuo ng mga seryosong banta, ang paglabag sa mga may hawak ng mga karapatan ng anumang intelektwal na ari-arian ay isang lumalagong banta sa ating kakayahang pang-ekonomiya,” sabi ng espesyal na ahente na si James Harris ng Homeland Security Department.

“Ang epekto ay maaaring madama sa maraming industriya, at maaari itong maging daluyan sa iba pang mga anyo ng kriminal na aktibidad,” sabi ni Harris.

Hindi tinukoy ng Justice Department ang mga nasamsam na website ngunit sinabing ang mga bisita sa mga site ay ire-redirect sa ibang site para sa karagdagang impormasyon.JC