56 bahay naabo sa Cebu

56 bahay naabo sa Cebu

November 6, 2022 @ 1:41 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 56 na bahay ang naabo sa magkahiwalay na sunog na sumiklab sa Cebu City sa nakalipas na magdamag.

Sa impormasyon, naitala ang unang sunog sa Sitio Langub, Barangay Kalunasan gabi ng Sabado, Nobyembre 5 kung saan nasa 50 tirahan ang natupok.

Nasa 50 pamilya naman o 205 indibiduwal ang naapektuhan na kasalukuyang nananatili sa isang gym sa naturang barangay.

Tinatayang nasa P1.9 milyon ang halaga ng pinsala sa nangyaring sunog.

Samantala, nasunog rin ang anim na bahay na sumiklab sa Barangay Talamban madaling araw ng Linggo, Nobyembre 6.

Tumagal naman ito ng 20 minuto bago idineklarang fireout.

Nasa P840,000 ang halaga ng pinsala sa naturang sunog. RNT/JGC