56% ng 32,486 bagong COVID case naitala sa NCR — OCTA

56% ng 32,486 bagong COVID case naitala sa NCR — OCTA

January 13, 2022 @ 12:35 PM 7 months ago


Manila, Philippines — Tinatayang higit 50% ng naitalang mahigit 30,000 bagong kaso ng COVID-19 ay galing sa Metro Manila, batay saOcta Research.

Paliwanag ni Guido sa Twitter, 56% nito o may katumbas na 18,140 mula sa naitalang 32,246 bagong kaso ay galing sa NCR.

Habang 10 porsyento o 3,326 kaso ng COVID ay galing naman sa Central Luzon.

Habang ang nananatiling 12 porsyento ay galing na sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa datos mula Enero 12, naitala na ng Department of Health ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID sa 3,058,634. RNT/FGDC