56 PMA cadets sumampa sa mga barko ng Navy

56 PMA cadets sumampa sa mga barko ng Navy

April 18, 2022 @ 12:49 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nasa 56 midshipmen cadets ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 2022 ang nag-training sa apat na barko ng Offshore Combat Force (OCF) ng Philippine Navy.

Binisita ng mga kadete mula Abril 15 hanggang 17 ang offshore patrol vessels na BRP Gregorio Del Pilar (PS-15), BRP Ramon Alcaraz (PS-16), at missile frigates na BRP Jose Rizal (FF-150) at BRP Antonio Luna (FF-151).

“These midshipmen cadets will be graduating next month and will be commissioned in the service of the Philippine Navy. Needless to say, these future Ensigns will be the next junior officers in various Philippine Navy units — especially in the primary fighting force at sea, OCF,” saad sa Facebook post ng BRP Antonio Luna nitong Linggo.

Bumuo ang crew ng apat na barko ng joint training program para sa mga kadete.

Kabilang sa training ang shipboard tours, lecture sa introduksyon sa naval warfare at Jose Rizal class frigates’ sensors at weapons capability, firefighting capability demonstration, audio-visual presentations, pagbabahagi ng personal na karanasan bilang naval officer, at iba pang aktibidad. RNT/SA