562 pang bagong kaso ng COVID naitala; 176 patay, 882 nakarekober

562 pang bagong kaso ng COVID naitala; 176 patay, 882 nakarekober

December 9, 2021 @ 4:05 PM 10 months ago


Umabot na sa 2,835,996 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa batay sa pinakahuling datos ng Department of Health.

Ito ay dahil sa karagdagang  562 na bagong kaso na naitala ngayong araw.

Nasa  2,773,891 naman ang kabuuan ng mga gumaling matapos madagdagan pa ng 882 na recoveries.

Ang deaths naman ay 176 ang nadagdag dahilan para umabot na sa 49,936 ang namamatay dahil sa virus.

Hindi naman tumataas ang aktibong kaso dahil nanatili pa rin ito sa 12,169.

Ayon sa DOH, sa naitalang 176 deaths , walo lamang ang naganap ngayong Disyembre 2021.

Ang pitong porsyento ng reported deaths ngayong araw ay nangyari  noong Nobyembre 2021 dahil sa naantalang encoding ng death information. Jocelyn Tabangcura-Domenden