5,675 pang bagong kaso ng COVID  naitala; 96 patay, 7,552 nakarekober 

5,675 pang bagong kaso ng COVID  naitala; 96 patay, 7,552 nakarekober 

July 10, 2021 @ 4:04 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Pumalo na sa 1,467,119 ang kabuuang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease sa bansa ngayong Hulyo 10.

Ito ay dahil sa karagdagang 5,675 pang mga bagong kaso .

Habang nadagdagan din ng 7,552 ang mga gumaling sa COVID-19 kung saan umabot na rin sa kabuuang 1,391,335 ang recoveries sa buong bansa.

Gayunman, mayroon pa ring naitatalang namatay sa sakit na nasa 96 kaya ang kabuuan ngayong araw ay umakyat na sa 25,816.

Samantala, ang aktibong kaso ay nasa 49,968 kung saan nasa 89.0% ang mild cases; 5.4% ang asymptomatic; at  1.5% ang critical.

Nasa 2.4%  naman ang severe habang ang moderate cases ay 1.68%.

Laging ipinapaalala ng DOH na kailangan pa rin ang masusing  pagsunod sa  ating minimum public health standards.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)