5,690 kaso ng COVID naitala mula Dec 19 ‘gang Dec 25 – DOH

5,690 kaso ng COVID naitala mula Dec 19 ‘gang Dec 25 – DOH

December 26, 2022 @ 7:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na mayroong 516 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19 hanggang nitong Pasko, Disyembre 25.

Sa 2,367 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 451(19.1%) ang okupado.
Samantala, 3,324 (17.6%) ng 18,935 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 73 milyong indibidwal o 94.44% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 21 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.44% ng target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Mula Disyembre 19 hanggang 25, 5,690 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 813, na mas mababa ng 25 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Disyembre 12 hanggang 18.

Sa mga bagong kaso, 3 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 172 na pumanaw kung saan 24 ay naganap noong Disyembre 12 hanggang Disyembre 25. Jocelyn Tabangcura-Domenden