57.9% COVID positivity rate naitala sa Kalinga – OCTA

57.9% COVID positivity rate naitala sa Kalinga – OCTA

December 12, 2022 @ 9:34 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Umabot 57.9 porsyento ang positivity rate ng COVID-19 sa lalawigan ng Kalinga– na lubhang mas mataas sa 5 porsyentong threshold na itinakda ng World Health Organization (WHO), batay sa latest monitoring ng OCTA Research.

Sa update sa social media nitong Lunes, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na tumaas ang positivity rate sa Kalinga mula sa 20.8 porsyento noong Dec. 3 sa 57.9 porsyento nitong Disyembre 10.

Tumutukoy ang positivity rate sa bilang ng mga indibidwal na nagpopositibo sa kabuuang bilang ng mga tinest para sa COVID-19.

Inirekomenda ng WHO na dapat manatili sa 5 porsyento o mas mababa ang positivity rate  upang makita na nakokontrol ang pagkalat ng coronavirus.

Binanggit din ni David na sa Metro Manila, tumaas din ang positivity rate mula sa 12.4 porsyento sa 14.4 porsyento.

Nakapagtala rin sa sumusunod na lugar ng mas mataas na positivity rates sa nakalipas na linggo:

  • Batangas (mula 5.2 porsyento sa 9.2 porsyento)

  • Bulacan (6.8 porsyento sa 8.3 porsyento)

  • Cagayan (21.4 porsyento sa 26.3 porsyento)

  • Cavite (10.5 porsyento sa 12.8 porsyento)

  • Mountain Province (11 porsyento sa 16.7 porsyento)

  • Nueva Ecija (39.1 porsyento sa 49 porsyento)

  • Pampanga (10.6 porsyento sa 13.3 porsyento)

  • Quezon (10.8 porsyento sa 12.8 porsyento)

  • Rizal (19.7 porsyento sa 23 porsyento). RNT/SA