57-anyos na lalaki, patay sa boga ng tandem sa Cabanatuan

57-anyos na lalaki, patay sa boga ng tandem sa Cabanatuan

April 4, 2022 @ 4:24 PM 3 months ago



CABANATUAN CITY – Dead-on-the-spot ang isang 57-anyos na lalaki makaraang ratratin ng riding-in-tandem sa Barangay Pula nitong Linggo, Abril 3.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Carl Omar Fiel, hepe ng Cabanatuan City police station, kinilala ang biktima na si Elmer Reyes y Soriano, residente ng nasabing barangay.

Alas-7:25 ng umaga ng mangyari ang pamamaril.

Napag-alaman na habang minamaneho ng biktima ang kanyang kulay pulang Honda Fit mini sedan malapit na sa kanilang compound ay siya namang pag-arangkada ng mga suspek at bigla umanong paulanan ng bala ng baril ang biktima ng isa sa mga suspek.

Matapos ang pamamaril ay agad silang tumakas.

Kaagad naman na nagtakda ng dragnet/checkpoint operation ang mga tropa ng kapulisan para sa posibleng pagtunton at pagsakote sa mga suspek.

Hanggang sa mga oras na ito ay blangko pa rin ang mga otoridad kung ano nga ba ang naging motibo ng pamamaslang. Elsa Navallo