57 empleyado ng DILG tinamaan ng COVID

57 empleyado ng DILG tinamaan ng COVID

January 12, 2022 @ 4:00 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of Interior and Local Government  na halos limang porsyento ng kanilang empleyado sa central office ay positibo sa COVID-19.

“Marami po din ang nagka-COVID, gaya po ng ibang mga frontliners natin. Dito lang po sa central office, out of our 1,124 total employees, meron po kaming 57 na mga nagpositibo,” ani Interior Undersecretary Jonathan Malaya.

“Around 5 percent of our employees from the central office ay nagka-COVID.”

Sinabing karamihan dito ay walang sintomas o kaya naman ay may mild symptoms kung saan karamihan ay nakarekober na.

“Meron din po kaming mga nag-positive sa mga regions, pero hindi naman po ganoon kadami.”

Ito naman ang ikatlong beses na nagpositibo sa COVID si Interior Secretary Eduardo Año.

Naunang sinabi ni Malaya na naka-isloate na si Año sa kanilang tahanan.

“He told me he’s asymptomatic or if he has symptoms (they were) very mild so he said he will continue to work while (in) isolation.”

“I think just like the rest of the population who were vaccinated and boosted, this will be a mild infection for Secretary Año,” dagdag pa nito. RNT/FGDC