57 lugar binaha kay ‘Maymay’ – NDRRMC

57 lugar binaha kay ‘Maymay’ – NDRRMC

October 15, 2022 @ 4:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iniwan ni Tropical Depression Maymay ang 57  lugar na lubog sa baha sa  northern Luzon hanggang nitong Sabado, ayon sa pinakabagong ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ipinalabas ng NDRRMC ang ulat sa paglapit ni Tropical Depression Neneng sa Philippine landmass sa northern Luzon, ayon sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa situational report ng NDRRMC kay Maymay, may kabuuang 106 lugar ang naiulat na binaha ni Maymay, subalit 49 sa mag ito ang humupa na habang 57 pa rin ang binabaha. Sa bilang na ito, 55 ay saCagayan Valley.

Inilagay ng Pagasa nitong Sabado ang Cagayan sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa paparating na Tropical Depression Neneng.

Inihayag ng NDRRMC na may dalawang lugar din sa Cordillera Administrative Region na binaha, subalit unti-unti na itong humuhupa.

Samantala, isa ang ansawi sa hagupit ni Maymay habang apektado naman ang 35,861 indibidwal, base sa NDRRMC. RNT/SA