57 sako ng imported na sibuyas nakumpiska sa Divisoria

57 sako ng imported na sibuyas nakumpiska sa Divisoria

October 17, 2022 @ 1:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kinumpiska ng mga awtoridad ang aabot sa 57 sako na naglalaman ng mga imported na dilaw at puting sibuyas sa Divisoria, lungsod ng Maynila.

Mismong ang mga tauhan ng Department of Agriculture, Bureau of Plant Industry, Bureau of Customs at Philippine Coast Guard ang nagkasa ng operasyon at inspeksyon sa mga sibuyas na ibinibenta sa pamilihan, dahil sa umano’y paglabag sa Food and Safety Act.

Dahil dito ay dinala ang mga nakumpiskang sibuyas sa quarantine office ng BPI.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Food and Safety Act ang may-ari ng kilo-kilong sibuyas.

Sa batas ng bansa, kailangan munang sumailalim sa inspeksyon at mabigyan ng clearance ang mga cargo partikular na ang mga imported na pagkain. RNT/JGC