570 ‘di bakunadong commuter naturukan na sa QC

570 ‘di bakunadong commuter naturukan na sa QC

January 20, 2022 @ 1:44 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Nabakunahan na ng first dose kontra COVID ang nasitang 570 unvaccinated commuter sa Quezon City, batay sa ulat.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, bigong nakapagpresenta ang mga nasita ng COVID vaccine card kung kaya’t dinala sila sa vaccination site sa Quezon Memorial Circle.

Tiniyak din ni Belmonte na hindi naman kasali sa polisiya ang mga hindi bakunadong indibidwal na bibili ng mga pangunahing pangangailangan.

Pauuwiin naman ang mga ayaw magpabakuna at pakukuhanin ng sertipikasyon sa kanilang licensed physician bilang patunay na hindi sila maaaring bakunahan. RNT/FGDC