57M Pinoy fully vaccinated na

57M Pinoy fully vaccinated na

January 23, 2022 @ 9:26 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagturok na ang Pilipinas ng 122,889,494 doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines sa buong bansa hanggang nitong Sabado, Enero 22.

Sa naiturok na bakuna, nasa 57,095,695 Pinoy na ang fully vaccinated laban sa virus.

Sa datos mula National COVID-19 vaccination dashboard, umabot na sa 59,716,484 indibidwal ang nabakunahan ng first dose habang 6,077,315 ang naturukan na ng booster shot.

Kamakailan lang nang ikasa ng gobyerno ang “Resbakuna sa Botika” program sa pakikipagtulungan ng pribadong botika at klinika para makapag-engganyo ng mas marami pang Pinoy para magpabakuna. RNT