58% ng edad 12-17 bakunado na vs COVID

58% ng edad 12-17 bakunado na vs COVID

January 26, 2022 @ 5:10 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Mayorya ng nasa edad 12-17 ay bakunado na laban sa COVID.

Base sa Department of Health, katumbas ito ng 58 porsyento.

Base kay Dr. Mary Ann Bunyi, pangulo ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines, ang mga batang may sakit ay mas mataas ang risk sa severe COVID disease.

“Most cases have been mild. But some patients have turned into severe with critical manifestations. Some have developed complications like multi-system inflammatory syndrome in children (MISC-C),” aniya sa virtual forum.

Dagdag pa ni Bunyi, ang 396,730 naitalang COVID case ay nasa edad ng 19 pababa.

Makatutulong aniya ito na mabawasan ang community transmission sa mga bata.

“Ito pong COVID-19 vaccine na ipamamahagi ng ating pamahalaan ay isang oportunidad para sa inyong pamilya na maprotektahan laban sa COVID-19.”

“Para rin naman makalabas na sila, pumasok sa eskuwelahan, makapaglaro na rin sila kasama ang kanilang mga kalaro dati.” dagdag pa nito.

“Sa mga pagaaagam-agam natin, hindi po magbibigay ang pamahalaan natin ng ‘di mabisa at ‘di ligtas sa lahat.” RNT/FGDC