583 huli sa Comelec gun ban — PNP

583 huli sa Comelec gun ban — PNP

February 2, 2022 @ 5:15 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Umabot na sa 583 ang nahuli sa gun ban ng Comelec, ayon sa  Philippine National Police (PNP).

Ito ay ipinatupad mula noong Enero 9 bilang paghahanda sa darating na Eleksyon 2022.

Nakita sa bagong datos na 16 pa ang naaresto.

Nasamsam din dito ang 11 firearms; 29 ammunition; at 10 deadly weapons.

Partikular dito ang mga nakatira sa Calabarzon, Central Visayas, Bicol, Central Luzon, Cagayan, Northern Mindanao, at National Capital Region.

Habang mayroon namang 3,881 checkpoint na naka-setup sa buong bansa. RNT/FGDC