59 araw, palugit sa 300 illegal foreign workers

59 araw, palugit sa 300 illegal foreign workers

October 7, 2022 @ 5:55 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Binigyan ng Bureau of Immigration ng 59 araw na palugit ang 372 dayuhan na nagtatrabaho at naninirahan sa Pilipinas kusang umalis ng bansa.

Ito ang sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval nitong Biyernes, Oktubre 7 kung saan sa nabanggit na bilang, 331 ang Chinese samantala 41 naman ang mula sa iba pang bansa.

“Ito po ay humanitarian option… It’s also the more economical option for the government,” ani Sandoval.

“Hindi na kailangan ihold yung custody ng mga foreign nationals which entails less expenses for the government,” dagdag pa niya.

Sa oras naman na abutan ng 59-day grace period ang mga ito ay mismong ang pamahalaan na ang magpapatalsik sa kanila.

“Aarestuhin na po yan ng deportation officers at papabalikin sa kanilang bansa,” paliwanag ni Sandoval.

Sa kasalukuyan, mayroon pang nasa 48,000 dayuhang manggagawa sa Pilipinas ang sumasailalim sa verification process upang malaman kung maaari silang makapagtrabaho dito sa bansa. RNT/JGC