59 binigyan ng bisikleta sa BikeCination ng DOLE

59 binigyan ng bisikleta sa BikeCination ng DOLE

April 13, 2022 @ 10:52 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Limampu’t siyam na residente ng Malabon ang nakatanggap ng bisikleta sa ilalim ng BikeCination project ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Service Office (PESO).

Pinangunahan nina Mayor Lenlen Oreta, DOLE CAMANAVA Field Director Rowella V. Grande, PESO Manager Carla Cruz, at Barangay Captain Wenceslao Dela Cruz ang awarding ceremony.

Ang naturang seremonya ay  ginanap sa Malabonian Sports Complex, Brgy. Hulong Duhat.

Layon ng BikeCination project ng DOLE na bigyan ng insentibo ang mga manggagawang nakakumpleto ng bakuna mula sa informal sector, sa pamamagitan ng mga bisikleta na magagamit nila sa kanilang hanapbuhay. Merly Iral