5G phones ng Google inilunsad

5G phones ng Google inilunsad

August 4, 2020 @ 1:11 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Inilunsad na ng Google ang bagong 5G phones nito na magiging available sa darating na fall o taglagas.

Ayon sa ulat, nagkakahalaga ito ng $499 o P24,500 kung saan nasa Pixel 4a at Pixel 5 na rin ito.

Kasabay nito, nag-uumpisa na rin ang kompanya na bawasan ang starting price ng mga smartphones nito na non-5G version ng 4a na nagkakahalaga ng $349 o P17,450 para madagdagan pa ang kanilang mga customer.

Nabatid na naging top seller ang mga ibinebentang gadgets ng google pero malayo pa rin ito sa pagiging major profit drivers.

Inaasahan namang magiging available ang 5G phines sa United States, Canada, UK, Ireland, France, Germany, Japan, Taiwan at Australia ayon sa Google. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...