5K empleyado ng Pasay City Hall, nakibahagi sa nationwide earthquake drill

5K empleyado ng Pasay City Hall, nakibahagi sa nationwide earthquake drill

March 10, 2023 @ 12:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nasa 5,000 casual at regular na empleyado ng Pasay City Hall ang lumahok sa National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Huwebes (Marso 9).

(Larawan kuha ni Cesar Morales)

Pinangunahan ni Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano ang pagsasagawa ng face-to-face simulation drill na naglalayon ng pagpapatibay ng kapasidad ng lahat ng sektor upang mabawasan ang panganib at epekto na idudulot ng lindol.

“The simulation drill will also equip the employees to deal with a possible catastrophic earthquake, or the Big One, that may hit the country,” ani Calixto-Rubiano.

Ayon kay Calixto-Rubiano, ang NSED ay isinasagawa tuwing ikatlong buwan na isang kahilingan sa mga representante ng bawat departamento sa pamumuno ng Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) bilang namumunong tanggapan na magdedesisyon sa pagsasagawa ng hakbang kung sakaling dumating ang isang malakas na lindol.

“This is a simple but truly effective protocol. It can save or minimize injuries and casualties in case a strong earthquake occurs,” ani pa Calixto-Rubiano.

(Larawan kuha ni Cesar Morales)

Kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey at Syria nitong nakaraang Pebrero 6, nangako ang lokal na pamahalaan na susunod sa mga direktiba ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa preparasyon ng ‘the Big One’ sa pamamagitan ng pagbibigay ng seminars at lectures tungkol sa disaster preparedness gayundin ang pag-oorganisa sa posibleng pagtatalaga sa mga urban search at rescue teams.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na ang naganap na drill ay makapagdudulot rin ng wastong kaalaman sa pagresponde at epekto ng mapinsalang lindol.

“Participants will be able to assess their preparedness in the event of strong tremor. Hindi lamang ito paghahanda para sa sarili natin, kundi pati na rin sa mga mahal natin sa buhay. Maililigtas natin sila sa tiyak na panganib kung tayo ay may sapat na kaalaman sa paghahanda,” pagtatapos ni Calixto-Rubiano. James I. Catapusan