5K PDLs inaasahan magpaparehistro sa BSKE

5K PDLs inaasahan magpaparehistro sa BSKE

January 11, 2023 @ 3:49 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa 5,000 mga persons deprived of liberty (PDLs) ang inaasahang magpaparehistro para sa October 2023 barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) kasabay ng dalawang araw na nationwide special satellite registration.

Ayon sa ulat, nasa kabuuang 3,016 PDLs ang magpaparehistro sa New Bilibid Prison (NBP).

Maliban dito, magpaparehistro rin umano ang mga inmates mula sa
Correctional Institution for Women, Leyte Regional Prison, Davao Prison and Penal Farm, Zamboanga Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm, at sa Sablayan Prison and Penal Farm.

Isinagawa naman ang ceremonial kickoff para sa naturang special voter registration sa NBP.

Matatandaan na noong 2015 ay naghain ng petisyon ang isang abogado na nagbabawal sa mga detainees na makaboto sa eleksyon noong Mayo 2016 hangga’t walang nagagawa na malinaw na panuntunan para rito.

Binasura naman ito ng Korte Suprema noong Agosto 2022 at pinayagan ulit ang mga PDL na makaboto sa lokal na lebel. RNT/JGC