5K pulis nasibak na sa sebisyo mula Enero 2016

5K pulis nasibak na sa sebisyo mula Enero 2016

January 19, 2022 @ 7:07 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na nasa 5,000 pulis na ang nasibak sa serbisyo mula Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2021 dahil sa ilang maling gawain.

Dagdag pa rito ang nasa 20,000 personnel na nasuspinde.

Mula sa 37,124 administrative case na kinasankutan ng mga pulis mula Hulyo 2016 hanggang Enero 12, 2022, tanging 35,297 kaso lamang ang na-close.

“It is with deep sadness to know that the PNP is stained with erring cops. These undesirable members of the organization must face the consequences of their actions. But their demeanor must not be construed as a system bloodline,” lahad ni PNP chief Police General Dionardo Carlos.

“Remember what you’re here for. Go back to your core. You are not only trained with the appropriate skills, but you are embedded with the values that keep you grounded and upright,” paalala pa nito. RNT/FGDC