5M target sa National Vaccination Day 3

5M target sa National Vaccination Day 3

February 6, 2022 @ 11:08 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Target ng gobyerno na makapagbakuna ng hindi bababa sa limang milyong COVID-19 vaccine sa ikatlong segwada ng National Vaccination Day o ang “Bayanihan, Bakunahan” sa Pebrero 10 at 11.

Sa pinakahuling datos ng gobyerno, umabot na sa 59,419,295 ang fully vaccinated na Pilipino, kabilang ang mga may single-shot na Janssen vaccine, at nasa kabuuang 7,704,701 na ang mga may booster shot.

Sinabi ng National Vaccination Operations Center (NVOC) co-lead at medical specialist na si Dr. Kezia Rosario, na ang mga lugar na may mababang inoculation rate, lalo na sa mga senior citizen at mga may comorbidities, ay uunahin ngunit lahat ng jab sites sa buong bansa ay dapat gumana.

“Magdadagdag pa tayo ng mga vaccination site, especially dito sa mga eco-zones, industrial parks, sa mga university, sa schools ‘no para din mahanap na natin iyong mga may due for booster doses po (We will also add more vaccination sites, lalo na sa eco-zones areas, industrial parks, inside universities, and schools para mahanap natin ang mga dapat magpa-booster doses,” she said Saturday at the Laging Handa public briefing.

Ang pambansang pamahalaan, katuwang ang mga local government units at pribadong sektor, ay nagpatupad din ng iba’t ibang hakbang upang palakasin ang booster vaccination.

Ang programang “Resbakuna sa Botika at Klinika”, na nilahukan ng mga pribadong klinika at parmasya, ay nakapagbigay na ng 2,242 booster doses.

Ang pagbabakuna para sa mga bata na may edad 5 hanggang 11 ay unang ipapatupad sa anim na Metro Manila sites sa Lunes, gamit ang reformulated Pfizer jabs.

“Nananawagan po kami sa ating mga magulang, na siguradong sigurado po kami na talagang maganda po ang formulation na ito dahil mas mababa at 91 percent ang efficacy (We want to tell the parents that we are sure about the formulation of the vaccines and they have a 91-percent efficacy),” sinabi ng vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa isang nakaraang pahayag.

Binanggit din niya ang mga ulat mula sa Estados Unidos na mayroong “napakakaunting” epekto. RNT