6.12M int’l arrivals sa 2022 naitala sa bansa

6.12M int’l arrivals sa 2022 naitala sa bansa

January 1, 2023 @ 11:15 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Tumaas ang bilang ng international arrivals sa bansa sa taong 2022, ito ang iniulat ng Bureau of Immigration (BI) nitong Sabado, Disyembre 31.

Sa impormasyon, kabuuang 6,125,841 ang mga dumating na biyahero sa bansa sa nabanggit na taon na simbolo ng muling pagbuhay ng turismo at pagdami sa mga biyahero dulot ng pagluluwag sa travel restrictions dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa nabanggit na bilang, 3.6 milyon sa mga ito ang Filipino.

Samantala, naitala ang pinakamaraming bumiyahe sa bansa mula sa Estados Unidos na 687,135; South Korea sa 448,491; Australia sa 152,476; Canada sa 141,578 at Japan sa 123,011.

“While we are not yet seeing pre-pandemic figures, the increase is already evident,” pahayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco.

“We share the optimism of the Tourism Department that travel is on the rebound and we will expect more tourists in the following months,” dagdag pa niya.

Noong 2019, taon bago tumama ang pandemya ay nakapagtala ang BI ng nasa 17 milyon na arrivals at bumagsak sa 3.5 milyon na pasahero lamang noong 2020. RNT/JGC