6.4 Magnitude na lindol, tumama sa Indonesia

6.4 Magnitude na lindol, tumama sa Indonesia

July 29, 2018 @ 10:41 AM 5 years ago


 

Indonesia – Niyanig ng 6.4 Magnitude na lindol ngayong Linggo (July 29) ang Indonesian island of Lombok, 140 miles silangan ng Bali, ayon sa United States Geological Survey.

Ang lindol ay naiulat na may lalim na 7.5 kilometers (4.6 miles), hindi malayo sa isang bulkan, Mount Rinjani.

Dahil dito, nag-isyu ang USGS ng yellow pager alert dahil sa nangyaring pagyanig. Ibig sabihin, may mga posibleng casualty na maaring maitala dahil sa lindol.

Samantala, hindi naman ng isyu ng tsunami advisory ang mga opisiyal ng Australia, India at Indonesia. Remate News Team