6.4K litro ng nasabat na diesel ibibigay sa PCG

6.4K litro ng nasabat na diesel ibibigay sa PCG

January 21, 2022 @ 3:10 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan na ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang donasyong 6,357.8 litro ng unmarked fuel sa Philippine Coast Guard (PCG) mula sa Bureau of Customs (BOC), na ansabat noong Setyembre 2021 at sinamsam ng gobyerno.

Inihayag ng Department of Finance (DOF)  nitong Biyernes na lumagda ang BOC at PCG ng memorandum of agreement sa turnover ng naturang diesel fuel sa Coast Guard sa anti-smuggling operations nito.

Dagdag pa nito, iniatas umano ng Port of Clark ang pagkumpiska sa diesel fuel, na natagpuan sa retail gas station sa Arayat, Pampanga matapos magsagawa ng BOC at ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng field tests at matukoy ang kawalan ng fuel marker sa tax-paid oil products.

Sa rekomendasyon ni Finance Undersecretary Antonette Tionko, itinakdang ibigay ang nasabat na langis sa PCG. RNT/SA