6.5M minor bakunado na vs COVID

6.5M minor bakunado na vs COVID

December 9, 2021 @ 2:16 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Bakunado na ang nasa 6.5 milyong kabataang nasa edad 12 hanggang 17 laban sa COVID, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

“Tuwang tuwa kami kasi maganda na magface-to-face na ang ating mga estudyante,” ani Galvez.

Maaalalang buwan ng Oktubre nang simulan ang pagbabakuna sa mga menor-de-edad.

Sa pamantayan, kailangan ng gabay ng magulang sa pagtungo sa vaccination center at pagbabakuna laban sa COVID. RNT/FGDC