6.7M residente ng QC bakunado na vs COVID

6.7M residente ng QC bakunado na vs COVID

December 9, 2022 @ 5:11 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na umabot na sa 6,757,916 mga residente at manggagawa ng lungsod ang nabakunahan na kontra COVID-19 hanggang nitong Huwebes, Disyembre 8.

Ayon sa QC LGU, mula Marso 2021 ay mayroon nang 2,602,612 ang fully vaccinated kung saan 2,198,917 ang matatanda at 403,695 ang mga menor de edad.

Mayroon din na kabuuang 1,551,972 residente ang nakatanggap na ng kanilang COVID-19 booster shots.

Hinikayat naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga residente na hindi pa nakakakuha ng second dose ng bakuna at booster shots na magpalista na online para sa vaccination appointment.

Ito ay sa pamamagitan ng kanilang
“QC Vax Easy” website:
https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy

Samantala, ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), mayroong 877 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod mula sa 291,481 kabuuang kaso hanggang nitong Huwebes ng umaga. RNT/JGC