6-anyos bangas ang ilong sa sagpang ng aso

6-anyos bangas ang ilong sa sagpang ng aso

October 11, 2022 @ 10:49 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nabangas ang bahagi ng ilong ng isang anim na taong gulang matapos salakayin ng aso sa kanilang barangay sa Dinalupihan, Bataan.

Sa ulat ng GMA, naglalakad ang bata sa kwentuhan para bumili ng meryenda at dito na umano siya inatake ng aso saka sinagpang ang mukha.

Dagdag pa sa ulat nasa apat na indibidwal na umano ang nakagat ng nasabing aso sa kanilang lugar.

Sinabi ni Amado Nuguid, chairman ng Barangay Pentor, na inaalam na nila kung sino ang may-ari sa aso.

Pero sinabi ni Nuguid na duda siyang may aaamin pa na may-ari ng aso dahil sa dami na umano ng nakagat nito. RNT