6-anyos na batang babae, binaril ng ama; suspek nagpakamatay din

6-anyos na batang babae, binaril ng ama; suspek nagpakamatay din

September 14, 2022 @ 2:46 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kaagad na binawian ng buhay habang isinusugod sa pinakamalapit na hospital ang isang anim na taong gulang na batang babae nang pagbabarilin ito ng kanyang sariling ama na nagpakamatay din sa Barangay Bagumbayan Santa Cruz, Laguna.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat -ibang bahagi ng katawan mula sa kalibre 9mm pistol na si Zhe-Yee Quinne Agculao Laguitnay 6, samantalang ang suspek na nagbaril din sa ulo gamit ang nasabing armas na nakilalang si Mark Luther Laguitmay 35, businessman bodyguard -aide sa Alabang Muntinlupa City.

Batay sa imbestigasyon ng Santa Cruz Police Station ganap na 4:20 ng madaling araw nang puntahan umano ng suspek ang anak nito sa loob ng kuwarto at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima , pagkatapos ay nagbaril ito sa ulo na kapwa isinugod sa Laguna Medical Center Hospital ng mga kaanak subalit binawian ng buhay ang mag-ama.

Kaugnay nito bago naganap ang insidente, kung saan nagkaroon nang pagtatalo ang suspek at asawa nitong pulis na nakabase sa Santa Cruz Police Station, sa kanilang bahay, subalit klaagad din umanong naayos kung saan umalis na ang misis ng suspek para mag duty.

Napag-alaman na ang anggulo umanong tinututukan ng imbestigasyon ng pulisya ay selos at problema sa pamilya bago naganap ang krimen samantalang narekober sa pinangyarihan ng insidente ang apat na pirasong basyo ng bala mula sa kaliber 9MM pistol. Ellen Apostol