6-anyos natagpuang lumulutang sa ilog

6-anyos natagpuang lumulutang sa ilog

December 28, 2022 @ 1:53 PM 1 month ago


ILAGAN CITY, ISABELA- Labis ang pagdadalamhati ng mga kamag-anak at magulang nang matagpuan ang 6-anyos na lalaki matapos na malunod sa ilog sa Brgy. Calamagui 1st, City of Ilagan, Isabela.

Ayon kay Jemalyn Bagtos, ina ng biktimang si Sky, bagama’t masakit ang mawalan ng anak ay labis ang pasasalamat nito sa mga tumulong sa kanila para mahanap ang kanyang anak.

Samantala, nagpaalala ang pulisya na laging gabayan ang anak lalo ang menor-de-edad para hindi na maulit ang nasabing trahedya na pagkasawi ng 6-anyos.

Samantala, ayon kay Isabela Provincial Administrator Atty. Noel Lopez, laging bukas sa publiko ang kanilang tanggapan na nakahanda at tumugon sa mga nangangailangan sa tulong ng PDRRMO sa anumang sakuna lalo na ngayong Yuletide season.

Pinapayuhan din ang lahat na agad na itawag ang anumang insidente sa kanilang hotline para sa agarang aksyon. Rey Velasco